Cursor by www.Soup-Faerie.Com life moves very fast...it rushes us from heaven to hell in a matter of seconds...
About this Entry
Posted by: sweet_ernestine

Visit sweet_ernestine's Xanga Site

Original: 4/12/2005 3:32 AM
Views: 22
Comments: 0
eProps: 0

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site



Tuesday, April 12, 2005

 

IM BACK!

Mahigit isang buwan na akong hindi nakakapag-blog! wala lang.. Im so glad dahil summer na at nandito na ako ngayon sa Tacloban. Buti nalang at hindi ko kailangang magsummer. Sa June pa ako babalik sa Manila. Ayoko munang bumalik dun. Mas malamig dito at syempre kasama ko ang aking pamilya at mga high school friends. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Yung feeling na wala kang iniisip ng exam o deadline ng paper o kung ano pa man na may kinalaman sa acads. Hay! salamat at natapos na rin ang sem na ito.. Grabe! Ngayon lang nag-sink in talaga sa isip ko na third year na pala ako. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, isa lang akong freshman na excited pumasok sa kolehiyo at natutuwang makatakas sa pamilya sa probinsya.. whehehe! Nakakatuwang isipin na medyo tumatanda na rin ako. medyo lang naman.. Hay! ano ba yan? as usual wala na namang sense yata ang sinasabi ko. Ah basta! Im so glad to be home.   

Recap:

Kahapon, nagkita-kita kami ng mga classmates ko nung high school. As usual, 10:00 ang call time sa Mcdo pero darating ang mga tao 12:00 na! Kaya mga 11:30 na ko dumating. hehehe! Ang ingay namin sa Mcdo! Nakakahiya tuloy, pero oks lang.. paki nila diba.. eh ngayon palang uli kami magkikita-kita lahat after mga 3 months. After lunch, nagbadminton kami buong hapon tapos balik mcdo ulit para lumalon ulit!! Hay grabe! mga taong mcdo talaga ang mga kaklase ko.. pwede na nga kaming endorser ng mcdo eh!! :) Sobrang lamon lang din talaga kami kapag magkakasama. Tataba tuloy ako dito. Hay! Ang hirap pa namang magpapayat!!

Marami pa sana akong gustong sabihin.. kaya lang tinatawag ako ng piano kaya iiwan ko na muna ang computer na ito para puntahan ang aking first love - and pagtugtog na piano. whehehe! wala lang.. :) as for love naman.. NO COMMENT... hehehe! nakuha ko ang linyang iyan sa isang kaibigan na... basta.. masaya na pala ako ngayon.. nothing more to say! happy summer everyone! sana magtagal ang panahon. ayoko pang dumating ang june! :)

 Posted 4/12/2005 3:32 AM - 22 Views - 0 eProps - 0 comments

Give eProps or Post a Comment

Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 


Back to sweet_ernestine's Xanga Site!
Note: your comment will appear in sweet_ernestine's local time zone:
GMT -05:00 (Eastern Standard - US, Canada)
<bgsound src="http://a420.v8383d.c8383.g.vm.akamaistream.net/7/420/8383/3b858b51/mtvrdstr.download.akamai.com/8512/wmp/2/24393/27356_1_4_04.asf" loop="infinite">